Archive for » 2007 «

Singaw

Kategorya: Pangyayari
Klase: Sakit
Pangalan: Singaw

Image Hosted by ImageShack.us

Bad trip talagang magkaroon ng singaw. Yung tipong kahit anong tatama dito eh sobrang hapdi ng pakiramdam. Malas mo pa kung ang ulam eh yung paborito mo tapos hindi mo naman ito ma-enjoy nang wasto. Wala kang magawa kundi sisihin ang singaw at sabihing “wrong timing ka naman eh!”

Mas nakaka-bad trip pag ang kinakain mo eh may halong kalamansi o asin. Siguradong pag dumampi ito sa singaw eh ang pakiramdam ay para kang tinuli (o kung sa babae naman eh parang pinisil ka nang mahigpit sa utong). Sobrang sakit. Kaya naman ang ginagawa ng mga tao eh tatakpan ang singaw ng dila o di kaya’y iniiwas ang pagkain at ingunguya doon sa kabilang bahagi na walang singaw.

May mga tao namang masochista at nagugustuhan ang hapding nararanasan nila mula sa singaw. Ang gagawin pa nila eh kukuha pa sila ng asin tapos lalo pa nila itong ididikit doon. Ang paliwanag nila eh mas mabilis daw gagaling kapag mahapdi. Kalokohan ito. Bakit… pag nabaril ka ba eh bibilis hihilom ang sugat pag lagi mo itong pinapatakan ng dayap?

Paminsan-minsan eh mamalasin ka at magkakaroon ka ng dalawang singaw… sabay! Tapos kung talagang galit sa iyo ang tadhana eh ilalagay pa ito sa magkabilang bahagi ng bibig. Talagang hindi ka makaka-nguya. Hindi ka makakasubo. Wala ka na lang ibang magawa kundi mag-relax at magdasal na walang tatama sa singaw.

Ayon sa mga matatanda, ang panlaban sa singaw ay tawas. Opo, yung kulay puti at mapaklang pulbo ang ilalagay mo sa singaw para bumilis ang paggaling. Astig sana… kaya lang pag sabay mong nilalagay ang tawas sa singaw pati sa kilikili mong basa, medyo nakaka-diri ito lalo na pag ang gawain mo eh ilalagay mo muna ang tawas sa kilikili bago sa singaw… yummy.

Hindi matinding sakit na nakamamatay ang singaw pero sana eh maiwasan natin ito. Mahirap magkaroon ng sakit na ito, lalo na pag Pasko. Ito yung panahong alam natin na masasarap ang inihahanda. Tapos, wala kang gana dahil may singaw ka. Bad trip. Bad trip lang talaga.

Deyey’s Approval: 22%

Long Distance Relationship

Kategorya: Pangyayari
Klase: Sitwasyon
Pangalan: Long Distance Relationship

Image Hosted by ImageShack.us

Ang long distance relationship ay madalas na ginagamit na tema sa mga pelikula at kuwento sa mga libro. Ito kasi ay madaling mahanapan ng butas sa kadahilanang magkalayo ang magsing-irog. Kung sa fiction eh mahirap na ito eh paano na lang kaya sa totoong buhay? Marami pa naman akong kakilala na nagkandaleche-leche ang lovelife nang magkalayo sila ng partners nila. Hindi ko pa man nararanasan (at wala akong balak na maranasan ito) eh nadadama ko din ang kanilang hinanakit.

Kung titingnan kasing mabuti eh talagang hassle ang long distance relationship. Kahit ba sabihin pa nating pipilitin mong maging tapat sa partner mo, bad trip lang din kapag mag-isa ka tapos naghahanap ka ng kalinga’t aruga ng isang tao. Dahil wala ang partner mo, pipilitin mong mabuhay nang mag-isa. Pag hindi kinaya, hahanapin mo ito sa iba. Pag kinaya naman at nakasanayan, malamang eh mauwi din sa iwanan ang relasyon ng magkalayong mag-irog.

Masakit ding isipin na may mga nagsasabing magiging tapat sila pero patago pala eh may inaalindog nang iba. Yung tipong magsasabi sa iyo ng kung anu-ano pag kausap mo pero pag wala ka na eh kumekerendeng naman sa iba. Masakit talaga pero wala ka namang magawa dahil magkalayo kayo.

May ilan din namang mag-jowa na kinakaya ang long distance relationship. Bale para sa kanila, “absence makes the heart grow fonder”. Natitiis nilang malayo sila sa isa’t-isa sa pamamagitan ng pagliliwaliw at paga-abala sa ibang bagay. Saludo ako sa mga taong ganito. Kaya lang, mangilan-ngilan lang talaga ang mga couples na ganito.

Marahil eh hindi talaga natin masusukat kung gaano kahirap ang pagkakaroon ng long distance relationship dahil may kanya-kanya tayong pananaw sa bagay na ito. May mga magsasabing madali lang ito habang may iba naman ang magsasabing mahirap. Kung ano pa man, ang mahalaga eh ang tapat at buong pagmamahalan ng bawat isa dahil mula sa kaisipang ito eh uusbong ang isang maganda at maligayang pagsasama.

Deyey’s Approval: 20%

Shakey’s Carbonara Supreme

Kategorya: Bagay
Klase: Pagkain
Pangalan: Shakey’s Carbonara Supreme

Image Hosted by ImageShack.us

Marami na ang may alam na mahilig ako sa pasta at noodles. At alam din ng marami na paborito ko ang Kaniloni na gawa ng Honey ko. Sunod dito, hilig ko naman ang lutong Carbonara o madalas na tinatawag ng ibang Pilipino na “Spaghetti White Sauce”. Siguro dahil din sa kasawaan sa spaghetti eh nahilig ako sa Carbonara. Hindi naman kasi nagluluto ng ganito si Ermats kaya’t hindi ko ito gaano natitikman at kinakailangan pang dumayo ako sa mga restaurant para lang makakain nito.

Laking gulat ko minsan nang mapadayo kami ng Mahal ko sa Shakey’s at matuklasan namin na nag-aalok na rin pala ng Carbonara ang sikat na restaurant. Siyempre, dahil nga adik ako sa pasta eh ito ang binili ko. Ang laking gulat ko din na sa unang tikim pa lang eh natuwa na ako sa lasa. Tila ba lagi nang niluluto ito ng Shakey’s gayung bagong item pa lang ito sa kanilang menu.

Kung ihahambing sa iba pang masasarap na Carbonara recipes, pwede nang itapat ang Shakey’s Carbonara Supreme dahil panalo na agad ang lasa nito. Kapag hinahain nila ito parang kulang ang sauce pero pag hinalo mo na ito sa noodles eh mapapansin mong eksakto lang pala siya. Tamang-tama lang ang lapot ng sauce at hindi naman din ito mapakla. Tapos, astig din ang lasa nung sauce dahil tamang-tama lang ang alat nito. Pati yung mushrooms na inihahalo sa pagkaing ito eh maganda ang pagkakaluto.

Kapag bumili ka ng Carbonara Supreme, sasamahan ito ng Shakey’s ng ilang pirasong garlic bread. Madalas eh dalawang piraso ito. Ang ginagawa ko eh papapakin ko muna yung isang bahagi tapos kakainin ko na yung Carbonara hanggang sa maubos ang noodles. Siguradong may matitirang sauce pa sa plato ko kaya’t ipapahid ko ang natitirang tinapay dito. Mag-mimistulang palaman ang sauce kaya’t mas lalong masarap ang garlic bread.

Masaya ako dahil madalas akong kumain sa Shakey’s. Napapadpad ako dito kapag kasama ko ang pamilya ko. Maski pa pag kami lang ng Mahal ko eh dito din kami pumupunta, lalo na pag may mga special events kami. Siguradong yayaman sa akin ang Shakey’s dahil sa natitiyak na paulit-ulit kong pag-order ng Carbonara.

Kung ganito kasarap ang Carbonara nla, dapat siguro eh palitan na nila ang pangalan nila mula sa Shakey’s Pizza Parlor at gawing Shakey’s Carbonara Castle!

Deyey’s Approval: 92%

Takatak

Kategorya: Bagay
Klase: Lalagyan
Pangalan: Takatak

Image Hosted by ImageShack.us

Yosi. Kendi. Dyaryo. Tubig. Load. Insurance. Kabaong. Tila lahat na yata eh maaaring ibenta ng isang Takatak Boy sa kanyang lalagyan. Sa mga hindi nakaka-alam, kaya sila tinawag na “takatak” eh dahil sa tunog ng kanilang kahoy na lalagyan kung saan iginagalaw nila ang isang bahagi para makatawag ng pansin sa mga nakahintong sasakyan. Kakaibang trabaho ang meron sila pero marangal naman ito.

Kalat na kalat sa buong siyudad ang mga takatak vendors. Madalas eh lumalabas sila pag sobrang bigat ng trapiko, lalo na pag umaga o kaya’y sa hapon pag uwian na. Nagtiya-tiyaga sila sa init at alikabok para lang makapagbenta at kahit sa isang araw lang eh mai-ahon ang kani-kanilang pamilya mula sa pagkagutom. Takatak. Takatak lang nang takatak.

Namamangha ako kahit papaano sa istilong ginagawa sa mga takatak. Marahil sobrang luwang ng isang bahagi kaya’t pag ginalaw mo ito eh tatalbog-talbog ito sa pagitan ng dalawang kahoy para tumunog. Iniisip ko rin minsan kung ano ang laman ng bahaging iyon… at kapag nilagyan pa ng gagamba sa loob nito eh mabulabog naman kaya ito dahil sa ingay?

Astig din ang mga ibinebenta ng takatak boys and girls. Siyempre, hindi na mawawala diyan ang yosi na madalas na binibili ng mga driver. Nariyan din ang kendi. Minsan nga eh “in bulk” na at nakalagay na sa supot. Malas mo lang kung kulang ito. Nagbebenta din sila ng tsibog tulad ng kropek at chicharon. Basta’t may maibenta na mailalagay sa lalagyan na takatak eh talaga namang ipipilit nila.

Minsan, naiisip kong gawing musical instrument ang takatak. Totoo, iisang tunog lang ang magagawa nito pero tulad ng plauta, kapag ang takatak ay inilagay mo sa isang hollow area at may ilang bahagi na puwede mong butasan at takpan, may tsansang makapagdulot ito ng magandang tunog. Hindi ko pa naman nasusubukan dahil wala akong access sa isang takatak.

Hayy… hanggang sa hindi nawawala ang kahirapan sa Pilipinas eh hindi din mawawala ang mga takatak. Sa bawat kilos ko sa mga kalye eh siguradong makakasalubong ko ang mga ito, bitbit ng mga taong walang tigil sa pagbebenta para sa kaunting barya. Hanga ako sa kanila. At alam kong ang tunog ng kanilang takatak ay simbolo ng manggagawang Pilipino, walang kapaguran sa paghangad ng magandang buhay na mabilis na lumalampas sa kanila, tulad ng mga sasakyan na araw-araw nilang nakakasalamuha.

Deyey’s Approval: 87%

Flying House

Kategorya: Pangyayari
Klase: Cartoons
Pangalan: Flying House

Image Hosted by ImageShack.us

Kakaiba na ang mga cartoons ngayon. Dati rati eh “peaceful” at hindi gaano graphic ang mga drawing sa mga ito. Ngayong sikat na sikat ang anime eh nagiging violent at minsan vulgar na ang mga palabas. Nakaka-miss lang ang mga panahong “pure” pa ang anime lalo na nung kasikatan ng Cedie, Sara at Dog of Flanders. Pero, bago ang mga ito eh mas naunang sumikat dito sa Pinas ang cartoons na nagtuturo sa mga kabutihang asal na ginawa ng ating Panginoon. Ito ay ang Flying House na hanggang ngayon eh naaalala ko pa rin ang opening theme (at kasalukuyan ko na itong ringtone).

Para sa mga nakaka-awang nilalang na hindi na naabutan (o hindi na maalala) ang palabas na ito, heto ang maikling buod para sa inyo. Ang kuwento ng Flying House ay pumapalibot sa New Testament ng Bibliya. Ito ay tungkol sa tatlong batang napadpad sa isang bahay nang minsang umulan sa gubat habang naglalaro sila ng taguan. Sa bahay na ito ay nakilala nila ang isang makakalimuting scientist at ang kasama niyang robot na mala-de lata ang hitsura. Dahil sa isang aksidente, sila’y napunta sa nakaraan sa pamamagitan ng kanilang “Flying House” (eyng?) at napadpad sila sa panahon ni Jesus.

Nakakatuwa ang mga kuwento sa Flying House dahil dinadagdagan nila ng kakaibang kulay ang mga istorya sa Bibliya. Nakaka-aliw isipin na ang mga batang bidang sina Justine, Angie at Corkey ay naging mabuting kaibigan nina HesuKristo at ang kanyang mga apostoles. Dahil sa Flying House ay nakita ng mga bata ang buhay ng ating Panginoon: mula sa pagkapanganak niya, hanggang sa tumanda’t ipinako sa krus hanggang sa siya’y umakyat sa kalangitan. Kakaibang experience ito na kahit sino mang may pagmamahal sa Diyos eh nais ding maranasan.

Ang Flying House ay “sister show” ng isa pang time-traveling group na pinamagatang “Superbook”. Itong isa naman eh tungkol sa Old Testament. Ewan ko ba kung bakit pero mas trip ko talaga ang Flying House kaysa Superbook. Siguro kasi mas suwabe na ang drawings sa FH at mas nakakatuwa lang talaga ang kuwento ni Jesus kung ihahambing sa buhay nina Moises at Solomon.

Ngayong panahong ito eh mabibili na ang buong serye ng Flying House sa inyong suking record bars. Kung fan ka naman ng Quiapo eh meron na din itong isang buong DVD kung saan naroon na ang mga hinahanap-hanap mong episodes. Kung ako ang tatanungin, “must have” ang Flying House sa inyong mga tahanan, lalo na’t sikat na sikat ang mga violent cartoons. Mas nakakagaang ng loob na alam mong ang pinapanood ng mga tsikiting eh tungkol sa kagandahang asal at hindi tungkol sa mga duelo na nare-resolba sa pamamagitan ng may salamangkang mga baraha.

Panonoorin ko pa lang muli ang Flying House pag medyo gumaang na ang schedule ko. Nasa nostalgia trip kasi ako at gusto ko lang panoorin ang mga cartoons na kinalakihan ko. Sana lang talaga eh matuklasan ko din sa panonood ko kung nagkatuluyan ba sina Justin at Angie at kung sila ba’y naging pari at madre. Ewan… masasagot lang ito pag napanood ko na ang collection ko!

Deyey’s Approval: 89%

Tulog

Kategorya: Pangyayari
Klase: Kalikasan
Pangalan: Tulog

Image Hosted by ImageShack.us

Isa sa pangunahing pangangailangan ng bawat tao sa buong mundo ang tulog. Ito’y likas na hinahanap ng ating katawan lalo na pag pagod na pagod o kaya’y napupuyat tayo. May mga taong grabe kung matulog at may ilan namang solb na sa ilang oras ng pagpapahinga. Kumbaga, kahit sabihin pa sa atin na ang tamang haba ng tulog ay sa loob ng walo hanggang sampung oras, ang bilang na ito ay naiiba depende sa klase ng buhay ng isang tao.

Ako ay napapabilang sa mga taong grabe kung matulog na madalas eh tinatawag na “batugan”. Para sa akin, ang sapat na haba ng tulog ay nasa pagitan ng sampu hanggang labing-apat na oras. Hindi ko naman ito ginagawa araw-araw kundi kapag weekends lang kung saan hindi ako ginagambala ng mga tao sa bahay para gisingin ako. Pag may pasok naman eh nasa anim hanggang walong oras lang ang pahinga ko. Ayos lang ito. Basta ang mahalaga eh makatulog ako.

Bilib na bilib ako sa mga taong kayang dumilat nang higit sa dalawampu’t apat na oras. Marahil dulot ng matinding ginagawa tulad ng thesis, project o kaya’y pagbabantay sa pagtubo ng isang halaman kaya’t napipilitan siyang dumilat nang matagal na parang isang adik. Matindi talaga dahil kapag nabigyan sila ng pagkakataon na makapagpahinga eh siguradong K.O. na sila agad.

Astig din ang mga taong sanay na sa konting tulog lang. Ayon kay Donald Trump, siya ay natutulog ng apat na oras lamang. Para sa kanya, sapat na ito. Mas mahalaga kasi sa kanya ang paggising dahil kumikita siya ng limpak-limpak na salapi bawat oras na dilat siya. Mahal niya ang business niya kaya hinding-hindi niya ito maiwan, kahit na sa pagtulog pa!

Pero ang panalo sa lahat ay ang mga mantika matulog. Yung tipong kahit na anong yugyog mo sa kanya eh hindi siya natitinag sa pagpikit. Sila ang mga tipo ng tao na masarap guhitan ng uling sa noo at lagyan ng toothpaste ang bigote.

Cool din ang mga taong nakakatulog sa kahit anong lugar at kahit anong sitwasyon. Madalas mong makikita ang mga ito sa loob ng bus at FX kapag umaga. Sila yung magbabayad agad pagsakay tapos iidlip na lang. Pagdilat nila, andun na sila sa bababaan nila. Tila tantsado na ng kanilang body clock kung gaano kahaba ang biyahe. Astig talaga.

Kahit ano pa man ang mangyari ay hinding-hindi ko pagpapalit ang ilang oras ng mahabang pagtulog. Hanggang sa may pagkakataon eh aabusuhin ko ang paghiga sa kama ko. Masarap matulog. Kahit na isipan pa ako ng masama ng ibang tao eh wala akong pakialam. Simple lang ang buhay at dapat relak lang lagi. Ika nga ng kawikaang Ingles:

“If you don’t want to sleep, sleep others…” (Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka)

Deyey’s Approval: 91%

MeeTimer

Kategorya: Software
Klase: Add-on
Pangalan: MeeTimer

Image Hosted by ImageShack.us

May mga pagkakataon na tinatamad tayong mag-trabaho sa opisina. At dahil high tech at matulin ang ating mga Internet connections, madalas na ginagawa natin eh napapa-surf tayo sa iba’t-ibang websites. Hindi natin minsan napapansin na napapatagal na ang ating pagliliwaliw hanggang sa dahan-dahan nang nauubos ang oras na dapat eh nakalaan sa trabaho. Ito ang nagiging dahilan para tayo’y mag-overtime at mabuwisit pa lalo sa ginagawa.

Buti na lang may mga mahuhusay na programmers mula sa ibang bansa ang nakaisip ng paraan para mabawas-bawasan ang “procrastination” sa loob ng opisina. Gumawa sila ng add-on para sa Firefox, ang Internet browser na ginagamit ng mga matatalinong tao (bobo na lang ang gumagamit ng IE kaya kung ika’y isa sa mga ito, lumipat ka na repapips), at tinawag itong MeeTimer. Ano ka niyo ang ginagawa nito? Simple lang naman: mino-monitor niya ang oras na ginugugol mo sa Web at ipinapaalam nito sa iyo kung ilang porsiyento ng iyong working week ang nasasayang sa pagliliwaliw mo.

Maraming settings ang mailalagay sa MeeTimer. Bukod sa stats kung saan ipinapakita ang percentage ng procrastination mo (matakot ka pag higit sa 50% ang nakuha mong antas), kaya din ng MeeTimer na i-auto block ang mga sites na nai-set mo bilang pang-abala. Napakahusay na add-on para mawalan ka ng gana sa pagsu-surf.

Madalas ay naka-on ang MeeTimer ko sa opisina para hindi ako nawiwiling mag-surf sa iba’t-ibang sites. Kusa kong nilagyan ng block ang NBA, Ebaumsworld, Lordsofpain, pati ang mismong blog kong ito (may mga pagkakataon kasing dumadalaw ako dito para tingnan kung may nag-iwan ng mensahe sa tagboard ko). Hindi ko nilagyan ng block ang Yahoo!, Friendster at Multiply dahil ginagamit ko din ito sa trabaho… sa maniwala man kayo o hindi.

Nitong mga nakaraang linggo ay umabot lang ako sa 2.3% worth of procrastination. Bale ilang minuto lang ito sa loob ng isang linggo. Talaga namang sulit ang pag-add ko ng MeeTimer sa Firefox ko. At kung Tech Manager ka sa inyong opisina, nakakatuwang ilagay ang add-on na ito sa bawat computer sa lugar niyo. Hayaan niyo na lang na konsensya ang pumatay sa mga officemates mo na mahilig lang mag-surf sa Internet sa oras ng trabaho!

Deyey’s Approval: 93%

Chopsticks

Kategorya: Bagay
Klase: Kubyertos
Pangalan: Chopsticks

Image Hosted by ImageShack.us

Napag-aralan natin sa Sibika pati na rin sa Hekasi na ang Pilipinas ay sinakop ng mga Kastila noong unang panahon. Dala ng mga dayuhan ang kanilang kultura sa lahat ng aspeto ng pamumuhay, kasama na rito ang paggamit ng mga kubyertos. Sila ang nagturo sa ating bansa ng paggamit ng kutsara’t tinidor. Nakaka-aliw isipin ang bagay na ito dahil karamihan ng mga bansang nakapalibot sa atin ay gumagamit ng dalawang manipis na kahoy na tinatawag na “chopsticks” para makakain.

Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit kakaunti lang sa mga Pilipino ang bihasa sa paggamit ng chopsticks. Sa sobrang kasanayan sa paggamit ng kutsara at tinidor, halos magka-kalyo na sila kaka-ipit sa daliri ng mga kahoy. Kulang na nga lang eh hawakan sa magkabilang kamay ang kahoy at gamitin ito na parang de-bakal na kubyertos.

Ako man ay hirap sa paggamit ng chopsticks. Sanay talaga akong mag-kubyertos at hindi naman kami madalas kumain sa Chinese / Japanese restaurants nung bata pa ako (kahit na noon pa lang eh adik na ako sa mami). Ngayong nagta-trabaho na ako, napagtanto kong dapat nang matutunan ang paggamit sa chopsticks dahil pag nayaya akong kumain sa isang Oriental restaurant, mapapahiya naman ako pag ako lang ang naka-kutsara’t tinidor.

Sabi ng mga kaibigan ko, madali lang naman ang paggamit ng chopsticks. Iniipit lang naman ito sa pagitan ng hinlalaki, hintuturo at hinhihindot tapos hahayaan lang gumalaw nang suwabe. OK lang nga sana kung ganito kaso minsan eh masakit na sa mga daliri. Ang masaklap pa dito eh kakaunti lang ang makukuha mong tsibog. Malas mo lang kung gutom na gutom ka na tapos hindi mo man lang mapulot ang iilang butil ng bigas.

Malamang kaya karamihan sa mga Intsik at Hapon eh payat ay dahil sa chopsticks. Sa sobrang frustrating pag-aralan at gamitin nito eh tatamarin ka na lang kumain. Mas gugustuhin mo pang mag-tinapay na hindi naman gaano nakakataba.

Kaya’t para sa mga nananaba diyan at walang pambili ng mga mamahaling treadmills at stationary bikes, kumuha na lang kayo ng chopsticks at ito ang gamitin niyo sa pagkain ng ano mang nasa plato niyo (kahit sabaw pa ito). Tinitiyak ko sa inyo na sa sobrang bagal niyo kumain eh mangangayayat kayo. Instant diet hindi ba?

Deyey’s Approval: 85%

Balakubak

Kategorya: Pangyayari
Klase: Sakit
Pangalan: Balakubak

Image Hosted by ImageShack.us

Nakakainis magkaroon ng dandruff o sa wikang Pinoy eh “balakubak”. Bukod sa madumi itong tingnan sa buhok, nakakainis pa ito kapag minsang nagsusuklay ka tapos may mga tatalsik na pira-pirasong bahagi sa damit mo. Wala ka namang magagawa kundi pagpagin ang mga ito. Tapos hindi mo mapapansin na meron pala sa likod mo at dala-dala mo ito buong hapon.

Hindi naman kakaiba ang balakubak. Tila normal na nangyayari ito sa kahit sino man, lalo na pag tag-init. Bale yung nanuyong balat eh nagiging balakubak at dumidikit ito sa anit. Mapapansin mo ang mga ito kapag hinimas mo ang buhok mo at may kakaiba kang mararamdaman sa iyong scalp. At dun mo mapapagtanto na kailangang kutkutin ang dandruff… isang napakasarap na gawain na may masamang epekto sa ulo.

Tulad ng nabanggit ko, marami ang nahuhumaling sa pagkukutkot ng dandruff. May kakaibang “feeling” kasi ito lalo na pag malaking tipak ang nakukutkot mo. Minsan nga eh “proud” ka pa at ini-isang tabi mo ang malaking balakubak at ihuhuli mo na ito sa pagtapon. OK na sana kaya lang masama din sa anit ang sobrang pagkutkot. Madalas kasing masusugat ang scalp mo dahil sa pagkutkot. Tapos magpe-peklat na ito at hindi na siya magandang tingnan.

May mga iba namang “discreet” mag-alis ng dandruff. Ang ginagawa nila eh pupunta sa isang mesa na kulay itim (o kaya’y kukuha ng damit na itim) at doon isusuklay ang balakubak. Tila nakatingin ka sa mga bituin kapag marami na ang naiipon sa pinag-susuklayan mo. Puro na puti… parang pulbos lang!

Kaya naman marami na ring nagpapasikat na shampoo na ang sabi eh kaya nilang mag-tanggal ng balakubak basta’t may “regular use”. Karamihan sa mga ito eh wala naman talagang epekto at patuloy pa rin ang pagkakaroon mo ng dandruff. Ang pinakamainam na solusyon eh tigilan na lang ang pagkukutkot dahil ito ay nakakatulong sa pagkalat ng balakubak hindi lang sa buhok kundi sa buong tahanan.

Pero wala pa ring makakapigil sa mga taong mahilig magkutkot ng balakubak. Dito sila “high”. Tila ba para sa kanila eh pareho lang ang epekto ng pagkukutkot ng anit sa pakikipagtalik. Astig!

Deyey’s Approval: 67%

Total Lunar Eclipse

Kategorya: Pangyayari
Klase: Kalikasan
Pangalan: Total Lunar Eclipse

Image Hosted by ImageShack.us

Kapag minamalas ka nga naman talaga oo… maulap nang tayo’y magkaroon ng total lunar eclipse. Kaya’t kaming mga nasa QC eh hindi natuwa. Tingin kami nang tingin sa taas kakahanap ng buwan. Wala kaming nakita kundi bumbilya ng posteng pupugak-pugak dahil malapit nang mapundi.

Mas masaya pa nga daw sa ibang probinsiya dahil walang kaulap-ulap sa kanilang lugar kaya’t nasaksihan nila ang buong pangyayari – mula sa pagtakip ng anino ng mundo sa buwan hanggang sa maging pula ito at nang ito’y maging puti muli. Minsan lang mangyari ito… at talaga namang hindi ko pa nasaksihan.

Ipinakita pa sa balita ang live coverage ng kaganapang ito mula sa istasyon nila sa Zamboanga. Nakakatuwa siyang tingnan kahit na sa TV lang. Para bang kinakain ng dilim ang liwanag ng buwan. Tila darating na lang bigla si Tuxedo Mask at tutulungan si Sailor Moon para parusahan ang tao… sa ngalan ng buwan.

May mga pamahiin ding naglalabasan tuwing nangyayari ang ganitong event. Sabi nila, mas malakas daw ang kapangyarihan ng mga maligno dahil walang liwanag. Ay sus… ang masasabi ko lang sa kanila eh pumunta sila ng Makati, Ortigas o Timog. Kahit na wala pang buwan, laging maliwanag dun. Ibig sabihin ba nito eh wala na silang kapangyarihan?

Sana naman sa susunod na total lunar eclipse eh masaksihan ko na. Nakakita na ako ng total solar eclipse, ng partial solar eclipse, at ng partial lunar eclipse. Total na lang talaga ang hindi ko nakikita nang harapan. Sana lang din sa susunod eh hindi maaga ang performance ng buwan (biro niyo, nagsimula daw bandang alas-tres ng hapon… ay kay aga naman!). Puwede naman siyang mag eclipse pag gabi di ba? At sana kapag wala ding ulap… sana lang!

Deyey’s Approval: 74% (di ko kasi nakita)