Kategorya: Pangyayari
Klase: Sitwasyon
Pangalan: Long Distance Relationship

Ang long distance relationship ay madalas na ginagamit na tema sa mga pelikula at kuwento sa mga libro. Ito kasi ay madaling mahanapan ng butas sa kadahilanang magkalayo ang magsing-irog. Kung sa fiction eh mahirap na ito eh paano na lang kaya sa totoong buhay? Marami pa naman akong kakilala na nagkandaleche-leche ang lovelife nang magkalayo sila ng partners nila. Hindi ko pa man nararanasan (at wala akong balak na maranasan ito) eh nadadama ko din ang kanilang hinanakit.
Kung titingnan kasing mabuti eh talagang hassle ang long distance relationship. Kahit ba sabihin pa nating pipilitin mong maging tapat sa partner mo, bad trip lang din kapag mag-isa ka tapos naghahanap ka ng kalinga’t aruga ng isang tao. Dahil wala ang partner mo, pipilitin mong mabuhay nang mag-isa. Pag hindi kinaya, hahanapin mo ito sa iba. Pag kinaya naman at nakasanayan, malamang eh mauwi din sa iwanan ang relasyon ng magkalayong mag-irog.
Masakit ding isipin na may mga nagsasabing magiging tapat sila pero patago pala eh may inaalindog nang iba. Yung tipong magsasabi sa iyo ng kung anu-ano pag kausap mo pero pag wala ka na eh kumekerendeng naman sa iba. Masakit talaga pero wala ka namang magawa dahil magkalayo kayo.
May ilan din namang mag-jowa na kinakaya ang long distance relationship. Bale para sa kanila, “absence makes the heart grow fonder”. Natitiis nilang malayo sila sa isa’t-isa sa pamamagitan ng pagliliwaliw at paga-abala sa ibang bagay. Saludo ako sa mga taong ganito. Kaya lang, mangilan-ngilan lang talaga ang mga couples na ganito.
Marahil eh hindi talaga natin masusukat kung gaano kahirap ang pagkakaroon ng long distance relationship dahil may kanya-kanya tayong pananaw sa bagay na ito. May mga magsasabing madali lang ito habang may iba naman ang magsasabing mahirap. Kung ano pa man, ang mahalaga eh ang tapat at buong pagmamahalan ng bawat isa dahil mula sa kaisipang ito eh uusbong ang isang maganda at maligayang pagsasama.
Deyey’s Approval: 20%
