Kategorya: Pangyayari
Klase: Laro
Pangalan: Wheel of Fortune

(Litrato mula sa Wikipedia)
Natutuwa ako sa mga larong nakakahasa ng isipan tulad ng Jeopardy, Who Wants To Be A Millionaire? (WWTBAM), at The Weakest Link (na siyang naging basehan ng thesis ko nung kolehiyo). Ngayon eh dahan-dahang sumisikat ang larong “Wheel of Fortune” dahil sa pagsabak nito sa mainstream Pinoy TV. Ang kinaganda pa nito eh host nito ay ang mahusay na si Kris Aquino. Yun nga lang, medyo kakaiba ang mga tanong sa lokal na version kaysa sa doon sa pinapanood ko sa US, marahil na rin dahil medyo masang Pinoy ang target dito.
Sa totoo lang, gustong-gusto kong makasali sa mga TV game shows na yan. Dati sinubukan ko tumawag sa WWTBAM hotline at nag-try out. Kaya lang hindi na ako tinawagan pabalik. Pero, mas forte ko talaga ang Wheel of Fortune dahil adik ako sa mga Hangman games kung saan ibinase ang show na ito. Alam kong kakayanin ko ang game na ito kaya lang hindi naman ako naiimbitahan sumali sa mga ito.
Kung tutuusin, madali lang naman sana ang Wheel of Fortune, lalo na kung maraming letra na ang lumalabas. Kunwari, makita mo ang mga letrang P _ K E, ang ilalagay mo ay “I” para maging “PIKE”. Kung lokal version naman na may mga letrang P _ T _ N G _ _A, ang ilalagay mo ay ang mga letrang “I”, “O”, “B” at “R” para maging “PITONG BRA”. Madali lang di ba?
Napansin ko kasi sa bahay minsan na adik din sa Wheel of Fortune na lokal ang mga kasamahan namin dito sa bahay. Pag dating ng hapon, natitigil ang kanilang pagta-trabaho para panoorin si Kris Aquino at ang umiikot na roleta. Nakikisabay din sila sa paghingi ng letra. Astig nga. Kulang na lang eh sila din eh makalaban ko bilang contestant.
Sa US version ng Wheel of Fortune talaga ako natutuwa. Mas challenging ang mga tanong at medyo mas mataas ang pa-premyo. Nakakatuwa din kapag sumisigaw ang mga contestants ng “Big Money” na para bang humihingi nung mga giant cheke na binibigay pag may nananalo ng pa-raffle. Mas lively kapag sa US. Parang tuod kasi ang mga tao pag sa Philippine version.
Gayunpaman, masayang manood ng lokal na Wheel of Fortune lalo na pag nakaka-tsamba sila ng malaking halaga tapos nakakakuha sila ng maraming letra. Hayy… kailan kaya darating ang panahon na ako naman ang lumalaban sa show na iyon? Kailan ko kaya makakamit ang limpak-limpak na premyo mula sa show na ito? Kelan kaya… pagputi na ang U _ A _ *?
Deyey’s Approval: 77%
* May gusto ka bang ipa-rebyu? Magpadala lang ng email sa taglish.rebyu @ gmail . com *
* U _ A _ = UBAS “pagputi na ang UBAS”






