Archive for » January, 2009 «

Tokyo Tokyo

Image Hosted by ImageShack.us

Dahan-dahan na tayong sinasakop muli ng mga dayuhan hindi sa pamamagitan ng puwersa kundi sa pamamaraan ng pagkain. Kung inyong mapapansin, lahat na ata ng klase ng putahe mula sa buong mundo eh matatagpuan na sa Pilipinas. Meron nang mga tsibog na galing sa Tsina at Amerika. Meron na ding galing sa Pransya, Italya at India. Siyempre, hindi rin nagpahuli ang mga Hapon.

Isa sa pinakatanyag na Japanese restaurant sa bansa ay ang Tokyo Tokyo. Tulad ng karamihan ng mga restaurant sa Pilipinas, semi-fastfood style ang service sa tsibugang ito. Bale magbibigay ka muna ng order sa counter tapos dadalhin ng mga waiter ang pagkaing binili mo. May kasarapan ang pagkain nila kaya naman hindi nakakagulat na maraming tao ang nagpupunta dito.

Iba’t-ibang sangkap ang makikita sa Tokyo Tokyo. May mga tsibog sila na may karne, hipon, at manok. Karamihan din ng mga “value meals” nila eh may kasama nang gulay. Kaya naman kung ikaw ay hindi mahilig sa gulay, mapipilitan kang kumain dahil hindi sulit ang bayad mo.

Sikat din ang Tokyo Tokyo sa mga taong sobrang gutom na talaga. Sa bawat order mo ng meal ay mayroon kang “unlimited rice”. Bale may rumurondang waiter na may dalang lalagyan ng kanin. Pag nakita niya ang plato mo na wala nang kanin, agad siyang susulpot sa tabi mo at tatanungin ka kung gusto mo pa tumaba ng kanin. Sa mga taong kakaunting kagat na lang ay busog na, nagbibigay naman ang Tokyo Tokyo ng half rice.

May mga meal din sa Tokyo Tokyo na sapat na para sa dalawang tao. Ang tawag nila dito ay “Sumo Meals”. Nasa isang plato lang kanin at ang napakaraming ulam. Karamihan ng bumibili nito ay mga magsing-irog na hindi na nagkakahiyaan kahit na tumulo pa ang uhog nila sa kanin.

Mura lang naman ang pagkain sa Tokyo Tokyo at kayang-kayang kainan ng masa. Dahil din sa unlimited rice kaya dumadami ang mga nagtitipid na dumadayo dito. Sila ang mga taong susubo lang ng konting ulam tapos tatlong subo agad ng kanin.. kakaibang istilo na ang resulta ay ang paglaki ng tiyan.

Kung datnan kayo ng gutom at hindi niyo pa mapag-isipan kung saan masarap kumain, subukan niyong dumaan ng Tokyo Tokyo at tiyak na kabusugan ang makukuha niyo.

Deyey’s Approval: 86%

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Bitag

Image Hosted by ImageShack.us

Sa ilang buwan kong pamamalagi dito sa bahay, ako’y nahumaling sa panonood ng Bitag tuwing pagkagising ko. Ang Bitag ay isang palabas sa telebisyon na pinangungunahan ni Ben Tulfo at tumatalakay sa mga isyung hindi gaano natutuunan ng pansin sa ibang palabas na pang-balita. Sa mga mahihilig sa maaksyong tagpo, ito ang palabas na para sa inyo.

May mga kasamahan si Ben Tulfo sa kanyang grupo at gumagawa sila ng iba’t-ibang pamamaraan para maipagtanggol ang mga nagsusumbong sa kanila. Undercover ang istilo ng kanilang operasyon kaya’t nagugulat na lang ang mga taong binabantayan nila kapag may bigla na lang magpo-posas sa kanilang mga pulis.

Ang ikinatutuwa ko sa Bitag ay ang pamamaraan ni Ben Tulfo kapag kaharap na niya ang taong may sala. Tila ba hindi siya natatakot sa kung sino man ang mabangga niya. Ang mga itlog ni Ben Tulfo ay gawa sa bakal… hindi siya umuurong kahit na gaano pa ka-brusko o gaano pa kalakas sa batas ang hinuhuli niya.

Nakakatuwa nga tuwing napapatiklop ni Ben Tulfo ang mga may sala sa bawat palabas. Kitang-kita sa camera na para bang gusto nang maihi sa takot ng mga taong binabangga niya. Bilib din talaga ako sa tapang at karakter ni Ben Tulfo. Astig talaga.

Ang nakakatuwa din sa Bitag ay ang kanilang pamamaraan sa pagpuri sa mga taong gumagawa ng tama. Bale patas lang talaga. Kapag nahuli ka nila na gumagawa ng kabutihan, hahangaan ka nila at pararangalan. Pero pag nabuko ka na may ginagawang kabalastugan, asahan mo nang susugurin ka na ng mga pulis at barangay tanod sa iyong lugar!

Deyey’s Approval: 89%

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Personified

Have you ever wondered what inanimate objects would say if they were given one day to speak? This blog tries to capture their thoughts as they go through their daily duties. Would they be happy? Would they be angry? We would not know for sure but we can sure assess their “feelings” depending on their situations.

We’re looking at timelines from morning until evening or until the inanimate object simply disappears from this world. Through careful analysis, we will know if the object has gone through hardships or if it has the best job ever.

Ang Pinoy ay MASAYAHIN

“Sa bawat indak, may halong halakhak!” -from Discoskwela by Kamikazee

mas masaya

Hindi makakaila na ang mga Pilipino ay laging naka-ngiti. Kahit na may krisis man na hinaharap, ang mga Pilipino ay makakahanap ng pagkakataon para humalakhak. Sa totoo lang, mababaw lang ang kaligayahan ng karamihan sa ating mga kababayan. Kung inyong naaalala, nauso noon ang mga comedy films na halos pare-pareho ang plot. May sayawan pa sa gitna ng palabas.

Minsan, kahit kapos na sa salapi ay tuloy pa rin ang tawanan para sa ilang Pinoy. Hindi nila iniinda ang hirap at kumukuha na lang ng pagkakataon para makatawa man lang. Ayon sa mga dalubhasa, ang pagtawa ay nakakabawas ng stress… at sa buhay ngayon sa Pilipinas, tiyak na araw-araw ay may stress.

Kahit saang lupalop ka pa ng Pilipinas magpunta, tiyak na makakakita ka ng mga taong naka-ngiti o nakatawa. Gagawa at gagawa ng paraan ang mga Pinoy para magsaya. Sa iba, ang pagsasaya ay nagaganap kasama ang mga mabubuting kaibigan. May ilan naman na sumasaya kapag mag-isa lang. Kahit ano pa man ang paraan, ang Pinoy ay talagang masayahing bayan.

Alam nating lahat na magulo ang bansa. Maraming balitang naka-inis at nakaka-sama ng loob. Pero bakit nagagawa pa ring ngumiti at magliwaliw ng mga Pinoy? Sadya bang hindi lang nila iniinda ang kahirapan o talagang likas na sa atin ang magsaya tuwing humaharap sa mga problema?

Ano ang Ugaling Pinoy?

Bayanihan

Ang mga Pilipino ay may iba’t-ibang katangian na maaaring mabuti o masama. Layunin ng blog na ito na mapag-usapan ang iba’t-ibang ugaling ito, hindi para ipagmalaki o kutyain ang ating pagiging Pilipino kundi para mapagtuunan ng pansin ang ating mga katangian.

Ang mga ugaling mababasa niyo sa blog na ito ay hindi sumasakop sa lahat ng Pilipino pero napapansin sa karamihan sa ating mga kababayan. Kung may mga nais kayong sabihin, huwag mag-atubiling mag-iwan ng mensahe o kaya’y mag-comment sa bawat akda. Maaari niyo rin akong padalhan ng sulat sa ugalingpinoy [at] gmail . com.

Susubukin kong magsulat sa blog na ito ng 2-3 beses kada linggo. Maraming katangian ang mga Pinoy kaya’t tiyak na marami tayong mapag-uusapan.

Halina’t tingnan natin ang samu’t-saring Ugaling Pinoy!