Archive for » March, 2009 «

Know1ng

Image Hosted by ImageShack.us

Aminado akong mahina ako pagdating sa mga numero. Noon pa man, hindi ko talaga nahiligan ang mga numbers kaya naman nagtuon ako ng pansin sa pagsusulat. Pero para kay Nicolas Cage sa palabas na “Know1ng”, ang mga numero ang naging susi para malaman niya ang katotohanan sa kanyang kapaligiran.

Maganda ang kuwento ng “Know1ng”. Kung ikaw ang tipo ng tao na mahilig sa usapang agham at relihiyon, tiyak na kagigiliwan mo ito. Pero kung ikaw naman ay medyo matatakutin, tiyak na matutuwa ka din dito kasi may mga eksena siya na parang “Final Destination”.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Axe Dark Temptation

Image Hosted by ImageShack.us

Nakakatuwa ang konsepto ng mga gumagawa ng pabango. Lahat na ata ng amoy ay nagawa na ng mga kompanyang ito. May mga pabango na gagawin kang mala-anghel sa bango. Meron din namang parang bagong tubong bulaklak ang aroma. Kulang na lang ay gumawa sila ng pabango na mangangamoy gasolina ka at maa-adik sa iyo ang mga adik…

Hindi nagpahuli ang Axe sa paggawa ng mga kakaibang amoy. Heto nga’t naglabas na naman sila ng bagong fragrance na tinatawag nilang “Dark Temptation”. Kapag nag-spray ka nito sa iyong katawan, magiging mala-tsokolate ang iyong amoy. Opo, tsokolate ang magiging ka-amoy mo. Lahat ng makaka-amoy sa iyong tsikas ay ihahambing ka sa isang tsokolate. Pati mga langgam, tsokolate din ang tingin sa iyo.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng pa-promo sa isang gusali malapit sa lugar kung saan ako nagta-trabaho. Ang kanilang pinasisikat ay ito ngang Axe Dark Temptation. Nung una nga ay hindi pa namin alam ng mga ka-opisina ko kung ano yung pinamimigay nila. Kasi naman, kakaiba yung dating nung mismong lalagyan ng pabango.

Image Hosted by ImageShack.us

Akala namin tsokolate talaga! Pero nung tinitigan na naming mabuti, nakita namin na isa pala siyang pabango! Hayuf sa advertising technique! Kung ang packaging ng promo material ay bibigyan ng score at ang pinakamataas ay 10, ang puntos ko para sa Axe sample ay 15!

Pagbalik namin sa opisina, agad kong sinubukan ang Axe Dark Temptation. Medyo mahina ang pang-amoy ko kaya’t hindi ko nasagap agad ang aroma. Nang magtagal na, nahagilap na ng ilong ko ang amoy ng Axe Dark Temptation. Amoy tsokolate talaga.

Gayunpaman, hindi dahil sa amoy tsokolate ka eh parang kakaiba na ang dating mo. Mabango naman talaga siya at hindi siya kasisi-sising bilhin. Tiyak na sisikat na naman itong Axe Dark Temptation lalo na’t malupit din ang kanyang palatastas.

Nawa’y huwag lang matanggal ang ilong ko pag naglagay ako nitong Axe Dark Temptation sa katawan ko!

Deyey’s Approval: 87%

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment