Archive for » July, 2009 «

AMBITO

Ito si AMBITO. Basahin ang aking rebyu tungkol sa kanya.

(Litrato mula sa kanilang Friendster account)

Mahilig ako makinig sa iba’t-ibang klase ng musika, kasama na rito ang rap at hip-hop. Mapa-Ingles man o Tagalog ang kanta, basta hip-hop, OK pa rin sa akin. Sa mga Pinoy hip-hop artists, natutuwa ako sa mga awitin nina Gloc-9, Francis M (RIP), at ng Dongalo Records rappers. Tila ata masasama na sa mga ikinatutuwa kong Pinoy rapper si AMBITO, isang Fil-Canadian na gumagawa na ng ingay sa Pinoy hip-hop scene.

Nalaman ko ang musika ni AMBITO nang may magpadala sa akin ng email. Sabi nung nagpadala, check ko daw ang musika nitong si AMBITO. Ngayong gabi ay napakinggan ko nang buo ang mga mp3 files at natuwa naman ako. May future ang rapper na ito lalo na kung mabigyan siya ng pagkakataon sa Pinoy mainstream radio.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Jon Stewart

Ito ang litrato ni Jon Stewart. Basahin ang aking rebyu sa taong ito.

Nakakainis manood ng balita. Tila ata sa lahat ng panig ng mundo ay lagi na lang may bad news na nangyayari. Kung sabagay, hindi nga naman “balita” ang balita kung hindi ito bad news. Gayunpaman, may mga taong naghahatid ng balita na talaga namang kakaiba na ang kalalabasan eh tatawanan mo na lang ang istorya. Isa sa mga taong ito si Jon Stewart.

Si Jon Stewart ay ang host ng “The Daily Show” na ipinalalabas sa Comedy Central. Sa show niya, ginagawang katawa-tawa ang mga pinakabagong kaganapan sa balita. Basta kung ano man ang isyu, yun ang titirahin niya. Kaya naman kung pakiramdam mo eh seryoso ang balita, asahan mong pagagandahin ito ni Jon Stewart.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

State of the Nation Address (SONA) 2009

Tingnan si PGMA habang nagbi-bilang ng pera... dollars pa!

State of the Nation Address. Isa ito sa mga pinaka-aabangang kaganapan kada taon ng karamihan ng mga Pilipino. Yung mga Class A (laking aircon) na mamamayan ay nakikinig para malaman kung ano na nga ba talaga ang nagawa ng ating Panggulo. Yung mga masa people naman, nakikinig lang para magalit at mainis.

Pero ang ikinasisiguro ko ay sa tuwing may SONA si PGMA, mas maraming nagagalit kaysa sa mga natutuwa. Isa na ako dun sa mga nagagalit.

more…

Category: rebyu  Tags:  One Comment

Harry Potter and the Half-Blood Prince

Ito ang poster ng Harry Potter and the Half-Blood Prince Movie. Basahin ang aking rebyu sa palabas na ito.

Uunahan ko na kayo: hindi ako fan ni Harry Potter. Hindi ko pa nababasa ang mga libro niya at ang tanging kaalaman ko sa kuwento niya ay sa mga balita ng mga kaibigan kong adik sa HP series. Pero, dahil na din sa Honey ko -na hindi din binabasa ang mga libro-, nalalaman ko ang kuwento nito. Bale sa panonood lang ng mga pelikula kami nakakakuha ng ideya kung ano ba talaga ang kabuuan ng kuwento ni Harry, Ron at Hermione.

Nitong araw na ito ay nanood kami ng Honey ko at ng pamilya niya ng Harry Potter and the Half-Blood Prince. Napanood ko naman ang ilan sa mga nakaraang HP films kaya’t kahit papaano ay nasusundan ko ang takbo ng kuwento. At sa bagong pelikulang ito, lalong luminaw ang mga kaganapan kung bakit naging ganun na lang itong kalaban nilang si Voldemort. Oo, may kilala na akong character sa Harry Potter bukod kay Harry Potter mismo.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Kuliti

Ito ang hitsura ng kuliti sa mata. Basahin ang aking rebyu sa sakit na ito.

Bad trip magkaroon ng kuliti. Ito yung parang taghiyawat na nasa mismong mata mo. Anak naman ng patola … eh wala namang akong ginawang ganun pero ba’t may kuliti pa rin ako?

Sabi naman ng dakilang Wikipedia, ang kuliti daw ay impeksyon na nakukuha mula sa dumi na nanggagaling sa ilong. Ibig sabihin, pagkatapos mong mag-dial sa iyong ilong ay idi-diretso mo sa mata mo ang iyong daliri. Anak naman ng patola … eh hindi naman ako nangungulangot bago ako maglinis ng mata pero ba’t may kuliti pa rin ako?

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Public Enemies

Ito ang poster ng Public Enemies. Basahin ang rebyu ni Dakilangbum sa palabas na ito.

Gaano nga ba kagaling si Johnny Depp bilang isang aktor? Kung pag-aaralang mabuti ang mga pelikulang ginawa niya kamakailan, tulad ng Pirates of the Carribbean series, kitang-kita talaga ang kanyang pagiging character actor. Tila ba kahit na anong role pa ang ipagawa mo sa kanya eh kayang-kaya niyang gampanan. At dito sa palabas na Public Enemies, kapansin-pansin ang kanyang angking galing sa pag-akto.

Ang Public Enemies ay isang pagsasadula ng buhay ni John Dillinger, isang magnanakaw ng bangko noong dekada 30 sa bansang Amerika. Ayon sa dakilang Wikipedia, si Dillinger daw ay tinuring na modern day Robin Hood ng mga nasa Amerika noon. Naisip ko din na kung kamukha nga ni Dillinger si Depp, tiyak na hindi lang Robin Hood ang magiging tingin sa iyo … baka pati Robin Padilla na din (whattajoke so corny).

more…

Category: rebyu  Tags:  One Comment

America’s Best Dance Crew

Ito ang logo ng America's Best Dance Crew. Basahin ang aking rebyu sa palabas na ito.

Ang Pinoy ay likas na magaling sa larangan ng sining. Mapakantahan man o dramahan, tiyak na namamayagpag ang ating lahi. Hindi naman kataka-taka na sumikat ang ating mga kababayan na katulad nina Arnel Pineda, Charice Pempengco at Lea Salonga na talaga namang malupit sa pagpapahanga sa mga ibang lahi. At pagdating naman sa sayawan, Pinoy pa rin ang nasa harapan.

Ito ay aking napatunayan nang subaybayan ko ang America’s Best Dance Crew (ABDC), isang paligsahan ng mga malulupit na mananayaw. Malamang ay tinatanong mo “America’s Best Dance Crew pala… eh bakit Pinoy ang bida?”. Hindi naman lingid sa ating kamalayan na ang Pinoy ay nasa iba’t-ibang bahagi ng mundo, kasama na ang Amerika. Dito sa bansang ito sila gumawa ng kanilang grupong pansayawan at nakipagtagisan ng galing sa iba pang mga mananayaw.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

No Updates?

OK … so it’s been quite a while since I posted anything at all in any of my blog sites. “What have I been up to?” you might ask. Well, I was busy doing a lot of things not related to blogging or to the Dakilang Bum network. For one, I have become addicted to Poker on Facebook. Yes, the cards have been calling me for a few weeks already and they have been taking most of my time (which should have been spent reviewing, commenting and writing on this blog network).

Well, the Poker Procrastination Program helped me achieve a total of 1M in chips on the game. OK, so it’s a bit lame since some people have already earned 50M in chips. But, the game relaxes me even though I feel some pressure when I get to fold an A-K suited combo depending on the flop.

As usual, I’ll try to be more diligent in writing to this blog network. I still have a lot of fixing up to do with the other blogs. My Honey has been keen in supporting me and never tires to remind me to blog and write and blog and write. Thank you Honey, may we be blessed.

Just keep coming back to the Dakilang Bum Network and, who knows, you might get to see an update soon.

…and don’t forget to follow me on Twitter ayt?