Archive for » August 2nd, 2009«

Nobody (Wonder Girls)

Ito ang Wonder Girls na kumanta ng Nobody. Basahin ang aking rebyu sa kanilang awitin.

(Litrato mula sa Wikipedia)

“I want nobody, nobody but you …” (palakpak) (palakpak) (turo) (palakpak)

Ito ang mga kataga at galaw sa koro ng awiting “Nobody” ng Korean girl band na Wonder Girls. Sa kasalukuyan, sikat na sikat ang awiting ito sa buong Pilipinas. Tila ito na ang bagong “Asereje” at “Macarena” na karamihan na ata ng taong kilala ko eh alam ang sayaw nito. Sa totoo lang naman kasi, maganda talaga ang tugtog na “Nobody” kahit na hindi ko naiintindihan ang lyrics.

Sa mga hindi nakikinig ng radyo at walang kamalay-malay sa mga bagong awitin, ang “Nobody” ay madalas niyong maririnig kung kayo’y sasakay ng FX, jeep, o ano mang pampublikong sasakyan. Marahil ringtone na ito ngayon ng isa sa mga kasama mo sa opisina o eskwelahan. Oo, sa ayaw mo man o sa gusto, maririnig mo ang “Nobody” kahit nasaan ka man sa Pilipinas.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment