
(Litrato mula sa Bench catalog)
Gaano ba kahalaga ang malinis na kamay? Sa ganitong panahon na maraming nagkakasakit, ang mga doktor ay nagpapayo sa ating lahat na ugaliing maglinis ng kamay tuwing kakain o kaya’y mag-aayos ng ibang parte ng katawan. Kaya lang, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may sabon at dumadaloy na tubig. Ang mga tao tuloy, napilitang magdala ng iba’t-ibang gamit na puwedeng panlinis ng kamay.
Nung una, ang mga tao ay nagdala ng alkohol. Ang masaklap lang dito, masyado siyang “likido” at mahirap gamiting panlinis. Yung ibang alkohol pa eh medyo matapang ang amoy. Ito marahil ang dahilan kung bakit naisip ng ibang mga kompanya na gumawa ng liquid na mala-sabon pero madaling makalinis sa kamay na parang alkohol. Para sa Bench, ang produktong ito ay tinawag nilang “Alcogel”.
