Pre-Cana Seminar

Ito ang Our Lady of Consolation Parish. Basahin ang aking rebyu tungkol sa pre-Cana seminar.

(Litrato mula sa OLCP website)

Alam ng mga malalapit kong kamag-anak at kaibigan na ako’y makikipag-isang dibdib sa aking butihing kasintahan na si Sweetperception. At parte ng pagpapakasal namin (at ng mga magsing-irog na haharap sa altar ng mga Katoliko) ay ang pag-attend ng isang pre-Cana seminar. Kung wala nito, hindi bibigyan ng “go signal” ng simbahan ang inyong planong pagpapalagay sa tahimik.

Iba-ibang bagay ang napag-uusapan sa isang pre-Cana seminar. Ito kasi yung panahon kung saan ang mga “elders” ng simbahan ay nagbibigay ng mga paalala sa mga magpapakasal pa lang para hindi sila mapariwara sa masasamang mga gawain. Pero kami ng Honey ko, malaki ang paniniwala namin na magiging matitibay ang aming samahan dahil matindi ang aming pagmamahal sa Panginoon.

Sa aming pre-Cana seminar, napag-usapan ang tungkol sa koneksyon ng simbahan sa mga mag-asawa. Napag-kuwentuhan din ang tungkol sa pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa. Sa mga aspetong ito, hindi kami nahihirapan ng Honey ko dahil ngayon pa lang ay bukas ang aming mga linya at araw-araw kaming nag-uusap.

Siyempre, napag-usapan din sa pre-Cana seminar ang tungkol sa pakikipagtalik at ang silbi nito sa mag-asawa. Sabi sa amin nung mga kaibigan at ka-opisina namin na nag-attend na rin sa mga pre-Cana seminar boring daw at walang kuwenta ang kuwenthan pagdating sa puntong ito. Pero dun sa pinuntahan naming pre-Cana seminar, naging masaya ang talakayan -ibang-iba doon sa sinabi ng aming mga kasamahan.

Para sa mga nag-iisip nang magpakasal, siguraduhin niyo na mahusay ang pupuntahan niyong pre-Cana seminar. Pag boring at walang kuwenta kasi, baka hindi niyo masyado dibdibin ang mga binabahagi ng mga speakers. Maganda rin kasing makakuha ng payo sa mga matagal nang may asawa. Sila na ang dumanas sa buhay na ating tatahakin at handa lang silang tumulong at gumabay sa ating landasin.

Deyey’s Approval: 80%

Category: rebyu  Tags:
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. Responses are currently closed, but you can trackback from your own site.

Comments are closed.