Archive for the Category »rebyu «

Wordpress

Ito ang logo ng Wordpress. Basahin ang aking rebyu tungkol sa software na ito.

(Litrato mula sa Wordpress)

Ang pagba-blog ay hindi biro. Maraming tao ang nagnanais na maibahagi ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat pero hindi naman nila magawa. Marahil ito ay dahil sa hindi talaga sila sanay magsulat o di kaya’y hindi nila alam kung saan nila ilalabas ang mga nasa isip nila. Sa tulong ng Internet, madali nang makaka-bahagi ng mga akda.

Sa dami ng “blogging engines” na nagkalat, maraming pagpipilian ang mga nais sumulat. Meron nang mga sites kung saan “one-click” lang ang paggawa ng blogs. Ang masaklap lang sa mga sites na ito, hindi maayos ang lahat ng aspeto. Para doon sa mga nagnanais na may “full control”, Wordpress lang ang katapat nila.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Bench Alcogel

Ito ay bote ng Alcogel. Basahin ang aking rebyu tungkol sa bagay na ito.

(Litrato mula sa Bench catalog)

Gaano ba kahalaga ang malinis na kamay? Sa ganitong panahon na maraming nagkakasakit, ang mga doktor ay nagpapayo sa ating lahat na ugaliing maglinis ng kamay tuwing kakain o kaya’y mag-aayos ng ibang parte ng katawan. Kaya lang, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may sabon at dumadaloy na tubig. Ang mga tao tuloy, napilitang magdala ng iba’t-ibang gamit na puwedeng panlinis ng kamay.

Nung una, ang mga tao ay nagdala ng alkohol. Ang masaklap lang dito, masyado siyang “likido” at mahirap gamiting panlinis. Yung ibang alkohol pa eh medyo matapang ang amoy. Ito marahil ang dahilan kung bakit naisip ng ibang mga kompanya na gumawa ng liquid na mala-sabon pero madaling makalinis sa kamay na parang alkohol. Para sa Bench, ang produktong ito ay tinawag nilang “Alcogel”.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Nobody (Wonder Girls)

Ito ang Wonder Girls na kumanta ng Nobody. Basahin ang aking rebyu sa kanilang awitin.

(Litrato mula sa Wikipedia)

“I want nobody, nobody but you …” (palakpak) (palakpak) (turo) (palakpak)

Ito ang mga kataga at galaw sa koro ng awiting “Nobody” ng Korean girl band na Wonder Girls. Sa kasalukuyan, sikat na sikat ang awiting ito sa buong Pilipinas. Tila ito na ang bagong “Asereje” at “Macarena” na karamihan na ata ng taong kilala ko eh alam ang sayaw nito. Sa totoo lang naman kasi, maganda talaga ang tugtog na “Nobody” kahit na hindi ko naiintindihan ang lyrics.

Sa mga hindi nakikinig ng radyo at walang kamalay-malay sa mga bagong awitin, ang “Nobody” ay madalas niyong maririnig kung kayo’y sasakay ng FX, jeep, o ano mang pampublikong sasakyan. Marahil ringtone na ito ngayon ng isa sa mga kasama mo sa opisina o eskwelahan. Oo, sa ayaw mo man o sa gusto, maririnig mo ang “Nobody” kahit nasaan ka man sa Pilipinas.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Cory Aquino

Ito ang litrato ni Cory Aquino. Basahin ang aking rebyu sa kanya.

(Litrato mula sa Ramon Magsaysay Award Foundation)

Unang araw ng Agosto, taong 2009. Isa na namang napakagaling at ginagalang na tao ang pumanaw at nagpunta na sa kalangitan. Tulad nina Michael Jackson, Francis M, at iba pang mga kilalang tao, ang dating pangulo ng Pilipinas na si Corazon “Cory” Aquino ay sumakabilang-buhay na. Marami ang nagluluksa … kabilang na ako dito.

Mahal ng sambayanang Pilipino si Cory Aquino. Mula sa kanyang “L” for Laban sign hanggang sa kanyang tanyag na paggamit ng kulay dilaw, si Cory Aquino ay patuloy na lumaban para sa mga tao kahit nung mga panahong hindi na siya pangulo. Ganun niya kamahal ang sambayanan kaya naman hindi kataka-taka na mahal na mahal din siya ng milyun-milyong Pilipino sa buong mundo.

more…

Category: rebyu  Tags:  One Comment

AMBITO

Ito si AMBITO. Basahin ang aking rebyu tungkol sa kanya.

(Litrato mula sa kanilang Friendster account)

Mahilig ako makinig sa iba’t-ibang klase ng musika, kasama na rito ang rap at hip-hop. Mapa-Ingles man o Tagalog ang kanta, basta hip-hop, OK pa rin sa akin. Sa mga Pinoy hip-hop artists, natutuwa ako sa mga awitin nina Gloc-9, Francis M (RIP), at ng Dongalo Records rappers. Tila ata masasama na sa mga ikinatutuwa kong Pinoy rapper si AMBITO, isang Fil-Canadian na gumagawa na ng ingay sa Pinoy hip-hop scene.

Nalaman ko ang musika ni AMBITO nang may magpadala sa akin ng email. Sabi nung nagpadala, check ko daw ang musika nitong si AMBITO. Ngayong gabi ay napakinggan ko nang buo ang mga mp3 files at natuwa naman ako. May future ang rapper na ito lalo na kung mabigyan siya ng pagkakataon sa Pinoy mainstream radio.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Jon Stewart

Ito ang litrato ni Jon Stewart. Basahin ang aking rebyu sa taong ito.

Nakakainis manood ng balita. Tila ata sa lahat ng panig ng mundo ay lagi na lang may bad news na nangyayari. Kung sabagay, hindi nga naman “balita” ang balita kung hindi ito bad news. Gayunpaman, may mga taong naghahatid ng balita na talaga namang kakaiba na ang kalalabasan eh tatawanan mo na lang ang istorya. Isa sa mga taong ito si Jon Stewart.

Si Jon Stewart ay ang host ng “The Daily Show” na ipinalalabas sa Comedy Central. Sa show niya, ginagawang katawa-tawa ang mga pinakabagong kaganapan sa balita. Basta kung ano man ang isyu, yun ang titirahin niya. Kaya naman kung pakiramdam mo eh seryoso ang balita, asahan mong pagagandahin ito ni Jon Stewart.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

State of the Nation Address (SONA) 2009

Tingnan si PGMA habang nagbi-bilang ng pera... dollars pa!

State of the Nation Address. Isa ito sa mga pinaka-aabangang kaganapan kada taon ng karamihan ng mga Pilipino. Yung mga Class A (laking aircon) na mamamayan ay nakikinig para malaman kung ano na nga ba talaga ang nagawa ng ating Panggulo. Yung mga masa people naman, nakikinig lang para magalit at mainis.

Pero ang ikinasisiguro ko ay sa tuwing may SONA si PGMA, mas maraming nagagalit kaysa sa mga natutuwa. Isa na ako dun sa mga nagagalit.

more…

Category: rebyu  Tags:  One Comment

Harry Potter and the Half-Blood Prince

Ito ang poster ng Harry Potter and the Half-Blood Prince Movie. Basahin ang aking rebyu sa palabas na ito.

Uunahan ko na kayo: hindi ako fan ni Harry Potter. Hindi ko pa nababasa ang mga libro niya at ang tanging kaalaman ko sa kuwento niya ay sa mga balita ng mga kaibigan kong adik sa HP series. Pero, dahil na din sa Honey ko -na hindi din binabasa ang mga libro-, nalalaman ko ang kuwento nito. Bale sa panonood lang ng mga pelikula kami nakakakuha ng ideya kung ano ba talaga ang kabuuan ng kuwento ni Harry, Ron at Hermione.

Nitong araw na ito ay nanood kami ng Honey ko at ng pamilya niya ng Harry Potter and the Half-Blood Prince. Napanood ko naman ang ilan sa mga nakaraang HP films kaya’t kahit papaano ay nasusundan ko ang takbo ng kuwento. At sa bagong pelikulang ito, lalong luminaw ang mga kaganapan kung bakit naging ganun na lang itong kalaban nilang si Voldemort. Oo, may kilala na akong character sa Harry Potter bukod kay Harry Potter mismo.

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Kuliti

Ito ang hitsura ng kuliti sa mata. Basahin ang aking rebyu sa sakit na ito.

Bad trip magkaroon ng kuliti. Ito yung parang taghiyawat na nasa mismong mata mo. Anak naman ng patola … eh wala namang akong ginawang ganun pero ba’t may kuliti pa rin ako?

Sabi naman ng dakilang Wikipedia, ang kuliti daw ay impeksyon na nakukuha mula sa dumi na nanggagaling sa ilong. Ibig sabihin, pagkatapos mong mag-dial sa iyong ilong ay idi-diretso mo sa mata mo ang iyong daliri. Anak naman ng patola … eh hindi naman ako nangungulangot bago ako maglinis ng mata pero ba’t may kuliti pa rin ako?

more…

Category: rebyu  Tags:  Leave a Comment

Public Enemies

Ito ang poster ng Public Enemies. Basahin ang rebyu ni Dakilangbum sa palabas na ito.

Gaano nga ba kagaling si Johnny Depp bilang isang aktor? Kung pag-aaralang mabuti ang mga pelikulang ginawa niya kamakailan, tulad ng Pirates of the Carribbean series, kitang-kita talaga ang kanyang pagiging character actor. Tila ba kahit na anong role pa ang ipagawa mo sa kanya eh kayang-kaya niyang gampanan. At dito sa palabas na Public Enemies, kapansin-pansin ang kanyang angking galing sa pag-akto.

Ang Public Enemies ay isang pagsasadula ng buhay ni John Dillinger, isang magnanakaw ng bangko noong dekada 30 sa bansang Amerika. Ayon sa dakilang Wikipedia, si Dillinger daw ay tinuring na modern day Robin Hood ng mga nasa Amerika noon. Naisip ko din na kung kamukha nga ni Dillinger si Depp, tiyak na hindi lang Robin Hood ang magiging tingin sa iyo … baka pati Robin Padilla na din (whattajoke so corny).

more…

Category: rebyu  Tags:  One Comment