Ugaling Pinoy

Ugaling Pinoy

Ugaling Pinoy

About Ugaling Pinoy (from the words of my late honey):

Ang mga Pilipino ay may iba’t-ibang katangian na maaaring mabuti o masama. Layunin ng blog na ito na mapag-usapan ang iba’t-ibang ugaling ito, hindi para ipagmalaki o kutyain ang ating pagiging Pilipino kundi para mapagtuunan ng pansin ang ating mga katangian.

Ang mga ugaling mababasa niyo sa blog na ito ay hindi sumasakop sa lahat ng Pilipino pero napapansin sa karamihan sa ating mga kababayan. Kung may mga nais kayong sabihin, huwag mag-atubiling mag-iwan ng mensahe o kaya’y mag-comment sa bawat akda. Maaari niyo rin akong padalhan ng sulat sa ____________ [at] gmail . com.

Susubukin kong magsulat sa blog na ito ng 2-3 beses kada linggo. Maraming katangian ang mga Pinoy kaya’t tiyak na marami tayong mapag-uusapan.

Halina’t tingnan natin ang samu’t-saring Ugaling Pinoy!